Nagpaikot-ikot sa crib ang tuwang-tuwang Lolo (angkong) at Lola ni Cheenee. “Ang aking apo, ang ganda ganda,” ang proud na proud na sabi ng lola. Sabi naman ng lolo “ang una kong ah-pung babae, ganda lips nya!" ang todo ngiting sabi ng Lolo.
Lokong loko talaga sa kanilang apo. Andyan ding sabihing “Jethrong Jethro” ng kanyang lola.
"Cheenee Sofiaaa…." ang pa-singsong na tawag ni daddy habang abala ang lolo't lola sa pakikipaglaro kay Cheenee. Napakagandang pangalan.
---------------------
Noong nasa college pa lang ako, may isang kaklase na lumapit at nagpapa-suggest ng pangalan ng baby.
Aktwal na usapan ang nasa ibaba:
Luz: Huy, ano magandang pangalan ng boy?
Ako: ha? Bakit naman ako pa tinanong mo?? *sabay napakamot sa ulo*
Luz: kasi unique ang pangalan mo!
Ako: Eh..?
Matapos mapaisip sandali..
Ako: Alam ko na! Pangalan para sa boy kamo…? Nebuchadezzar!
Luz: Naman! * sabay tawa*
Ako: Unique sabi mo! Walang nagpapangalang ganyan these days! *ngising aso*
Sabay sinundan agad ng isa pang
AKo: Tutankhamen!!!
Luz: *sabay hataw sa akin habang tumatawa*
Ako: O sige, eh di Bogart!!!
Luz: Seryoso ako…
AKo: hehe. Ba’t naman kasi ako pa tinanong! Pag girl pangalanan mo ng Nefertiti ha?
---------------------
Sa aso, kung magpangalan ang iba, yung pinaka-cute na pangalan! Ginger, Peach, Poochy, Tinkerbell etc. Shempre sa mga tamad magpangalan, Whitey, Brownie, Chocolate, Blackie at Spottie, ok na. Minsan naman, isinusunod pa sa popular na pigura: Marcos, Erap, Mega, Cory, Echo, Pacquiao, atbp.
Sa aso, kung magpangalan ako, gusto ko sa tunog pa lang killer-dog na ang dating: andyan ang Bruno at Bogart. Pero naging jinx ang mga astiging pangalan ng aso para sa amin. Matapos ang ilan pang short-lived dogs with really ferocious-sounding names, napag-isip isip ko, di swerteng magpangalan ng astig para sa aso. Nagpangalan ako ng Tagpi at Bantay, matagal-tagal namang nabuhay. Sinabi ko na nga ba! Simple lang mga aso namin. Di kelangan ng grandiosong pangalan!
Nakukuha din ng aso ang katangian ng kanyang pangalan paminsan minsan. Ang aso naming si Bantay, magaling namang magbantay ng bahay. Dati, dahil makalokohan akong bata, pinangalanan kong "kitten" and isa naming tuta. At ng magkaron kami ng cute na beagle naman, pinangalanan ko ng Poopy. Poo-poo naman ng poo-poo!
Ibat iba ng paraan ng pagpapangalan ang tao. Para sa tao man o sa alagang hayop, may kanya-kanyang dahilan. Junior para isunod sa ama ang aktuwal na pangalan. Ibig din ng mga magulang sa sundan ang yapak ng ama. Merong isinusunod sa idol. Mga anak nga ni Bayani Agbayani, Rosalinda at Marimar... lahat ipinangalan sa Mexican telenovela ni Thalia. Merong may kaugnayan sa propesyon: tatay ko nga, pinangalanang Judy Sharie ang aming bunso (na napilitan tuloy mag-law..hehe), daddy ko kasi ay RTC Judge. Meron pang iba, Justice at Judge naman.
Meron din namang totoong makabayan, magkakapatid na Makisig, Mayumi at Magiting. Meron pang Ampere, Watts at Volts dahil si daddy kasi nila ay electrical engineer. Meron din, pangalan ng magkakapatid: Apple, Peaches at Orange (Aberin sisters).. At si Vilma Santos, bakit pinalayawang Lucky si Luis Manzano? Kasi nga naging “lucky” sya sa career simula ng lumitaw si Luis. Ngayon, hiyang-hiya si Luis tuwing tinatawag syang Lucky.. machong macho para tawaging Lucky. (I love you Lucky!)
Nalaman ko na ang balak ipangalan ng isa kong kapatid sa magiging anak nya ay makalumang pangalan. Isusunod sa mga lolo ng bata. Isip isip ko, hindi kaya magalit ang bata paglaki nya dahil mukhang inaamag na ang pangalan nya? Hehehe. Pero.. pansin ko lang, nagiging uso na din ngayon ang makalumang pangalan, mas sophisticated ang dating, timeless ika nga. Sina Tintin Bersola at Julius Babao, Antonia nga ang ipinangalan sa baby! Sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, Andres naman yung isa sa twins. Galing kaya yung pangalan kay Andres Bonifacio.. atapang atao hindi atakbo? (haha)
Nang makidnap si Jethro, at naging laman ng broadsheets(kahit tabloid) at nabalita sa TV, naikwento ng magaling na sharpshooter na si Jethro Dionisio sa aking asawa na madami daw tumawag sa kanya at nagtanong kung anak nya si Jetho! Baka nga naman screen name lang ni Jethro Dionisio ang apelyidong Dioniso, baka Jethro Chua, Sr sya at junior nya ang nakidnap! hehe
Sa totoo lang, noong mas bata ako, ayokong ayokong tinatanong ako sa history ng aking pangalan. Unique nga, sobrang unique na kahit wala yata apelyido, dead-sure ako na nag-iisa ako sa sangkamunduhang may ganitong pangalan. Nariyang sabihin na napakamakabayan daw siguro ng parents ko at tagalog na tagalog ang pangalan ko. Nariyan ding pagkamalang Muslim ako. At ang pinakamatindi, sa foreign subscriptions at kahit local, inaaddress ako na MISTER sa halip na MISS o MISSIS! Aray! Bukod pa dyan ang madalas na maling mga spelling na pangalan ko. (Kainis! Hehe)
Isip isip ko nga, sana Jennifer, Michelle, Aileen o Tina na lang ang pinangalan sa akin.Yan ang top 4 na pangalan sa mga kakilala ko! Kahit madami kaming Jennifer, Aileen, Tina o Michelle, at least wala ng tanung-tanong kung sa kinuha pangalan ko. Di pa ako mapagkakamalang lalake! hehehe
Pag tinatanong nga ako kung ano real name ko bukod sa Lami, sinasabi ko, “Wag na, Lami na lang.” Sinasabi ko ding kahit hulaan, di nila mahuhulaan, nahahawig kay Rumplestiltskin!
Kaya ng magkaanak ako, simple lang din ang pagpapangalan naming ginawa. Kinuha naming ang paborito naming pangalan. Mahirap sumunod sa uso, nauso ang Joshua, Nicole, Bea, Krissy, Ethan, Paolo, Matthew. Kaya napansin ko sa pre-school, marami ang magkakapareho ang pangalan sa magkakaedad. Uso nga ngayon ang dalawahang pangalan. Nauso siguro kasi dahil walang itulak kabigin sa dalawang pangalang pinagpipilian. O para siguraduhan na sa dalawang kombinasyon ng pangalan, bihira ang makakapareho?
Sa tao, eto ang paborito kong mga pangalan.. Bruce, Brendan, Dana, Keira, Gian, Sofia, at Voltaire. Si Henry naman, gusto ang Lance, Cheenee, Jethro, Henri.
Mahulaan mo kaya kung ano ang totoo kong pangalan?
-taken from my other blog