Archive for February 23rd, 2007

In this Corner of the Universe, Hope versus Fans of Kris

Posted by CelebritiesCorner on Friday, February 23rd, 2007 @ 10:19 pm in Entertainment.

HAHAHAHAHAHAHAHA. Ay sorry mga kafatid sa pakikinig at pagbabasa ng mga katsisimisan pero hindi ako nakapigil nang sabihin ni HOPE na, "Wala po talaga akong balak na sirain [ang pamilya nila]. Sa akin lang, hindi ko sinisira. Nung pinasok ko ‘yon, alam ko kung saan ako.

EH BAKIT SIYA NAGKUKUMPISAL KAY LOLIT SOLIS?
hope-jamesyap
piclooted from retz.

Tirintasin ko kaya ang buhok niya at pagamitin ko ng shampoong ginagamit ni Kwris?

Ipinakita si Hope na nakatalikod sa camera sa video sa 24 Oras. Ganda ng likod at ng mga daliri

Hope said that she didn't know about James's marriage to the TV host-actress.

Wala siguro siyang TV sa bahay ? (Igkas kilay ko)

According to her, she was the last to know.

Akala ko ang asawa ang huling nakakaalam.( Baba muna ang kilay, medyo ngawit).

"Sa mga sumusubaybay po kay Miss Kris Aquino at kay James Yap, sana po ‘wag n'yo akong husgahan. ‘Wag kayong magalit sa akin kasi tao lang po ako. Babae lang din ako na na-in-love."

Ang theme song pala niya ay Sapagkat Kami ay Tao Lamang. Nakakaiyak. (Pahiram nga ng panyo).


Ngayong hapon, habang ako ay naggagantsilyo at naghahanap ng magandang programa sa TV kasama ang pagsinghot at pagpahid ng Vicks sa aking baradong ilong.

Teka, teka, biglang natigil ang pagpindot ko ng remote. Nakita ko sa screen ang confrontation of mistresses. Ay ani ba ini? Para bang Kris at Hope kaya lang programa pala yon ni Jerry Springer na hindi ko pinanood (Kung di lang ako naliligaw)kasi talaga namang bulgaran doon anoh. Sabunutan at sampalan ang asawa at ang mistress. Hinarap ni misis ang asawa at inumbag. Arayy.

Tinanong ni Springer ang mister kung bakit siya ay nagtaksil-taksil-taksil-taksil
*heh* hintuan mo yan....(mali-mali po ako).

Sagot ng mister...kasi raw ay tinutukso siya. Ahaa. kasalanan ngayon ng babae. Kung ayaw niya, hindi siya magpapatukso. Isa pa meron daw silang nagagawa sa mga babaeng ganito na hindi nila magawa sa kanilang asawa.

Hint* hint*hint.

Ewan ko ba. Sandali lang at ako ay maghihilamos ng holy water. Masyadong nagkasala ang aking mga mata. Ahek.
,,,,,,,

Master Facial Cleanser

Posted by Pinoy Guy Guide on Friday, February 23rd, 2007 @ 9:05 pm in Lifestyle.

On my other blog, I have been questioned what would be a good facial cleanser for men. Well in my opinion, the best would be Master Facial Cleanser with Dermaclear-C. Well aside from cleansing your face, I noticed that it removes pimples. Well I am not in any position to advertise their product but honestly I have tested it and found that it indeed reduces pimples and helps eliminate it. I tried

Vox Hunt: Latest Read

Posted by Everywhere and Here. on Friday, February 23rd, 2007 @ 6:30 pm in Personal - Philippines.

Book: Show us the latest book you bought, borrowed or received.


I'm reading three books now. Seriously. A chapter or two from each at separate times of the day.

I borrowed this from my boss. I'm reading it for both work and me. I write for a living and write for myself. William Zinsser makes me feel like I have light years to go til I will actually have earned the write to call myself a writer. Thank God for blogging to practice the craft!


This is a long overdue purchase. Almost everyone I know has a copy. It pumps me up on faith and challenges me to reprogram my mind - how I see myself, how I see my life.


This was actually given to me by a friend who personally knows the author! It's reminding me about the importance of purpose and mission.


And finally, this is what I'm hoping to buy, or borrow, next.





I Love you, Lucky!

Posted by Carpe Diem on Friday, February 23rd, 2007 @ 8:52 am in Personal - Philippines.

Nagpaikot-ikot sa crib ang tuwang-tuwang Lolo (angkong) at Lola ni Cheenee. “Ang aking apo, ang ganda ganda,” ang proud na proud na sabi ng lola. Sabi naman ng lolo “ang una kong ah-pung babae, ganda lips nya!" ang todo ngiting sabi ng Lolo.

Lokong loko talaga sa kanilang apo. Andyan ding sabihing “Jethrong Jethro” ng kanyang lola.

"Cheenee Sofiaaa…." ang pa-singsong na tawag ni daddy habang abala ang lolo't lola sa pakikipaglaro kay Cheenee. Napakagandang pangalan.

---------------------

Noong nasa college pa lang ako, may isang kaklase na lumapit at nagpapa-suggest ng pangalan ng baby.

Aktwal na usapan ang nasa ibaba:

Luz:  Huy, ano magandang pangalan ng boy?

Ako: ha? Bakit naman ako pa tinanong mo?? *sabay napakamot sa ulo*

Luz: kasi unique ang pangalan mo!

Ako: Eh..?

Matapos mapaisip sandali..

Ako: Alam ko na! Pangalan para sa boy kamo…? Nebuchadezzar!

Luz: Naman! * sabay tawa*

Ako: Unique sabi mo! Walang nagpapangalang ganyan these days! *ngising aso*

Sabay sinundan agad ng isa pang

AKo: Tutankhamen!!!

Luz: *sabay hataw sa akin habang tumatawa*

Ako: O sige, eh di Bogart!!!

Luz: Seryoso ako…

AKo: hehe. Ba’t naman kasi ako pa tinanong! Pag girl pangalanan mo ng Nefertiti ha?

---------------------

Sa aso, kung magpangalan ang iba, yung pinaka-cute na pangalan! Ginger, Peach, Poochy, Tinkerbell etc. Shempre sa mga tamad magpangalan, Whitey, Brownie, Chocolate, Blackie at Spottie, ok na. Minsan naman, isinusunod pa sa popular na pigura: Marcos, Erap, Mega, Cory, Echo, Pacquiao, atbp.

Sa aso, kung magpangalan ako, gusto ko sa tunog pa lang killer-dog na ang dating: andyan ang Bruno at Bogart. Pero naging jinx ang mga astiging pangalan ng aso para sa amin. Matapos ang ilan pang short-lived dogs with really ferocious-sounding names, napag-isip isip ko, di swerteng magpangalan ng astig para sa aso. Nagpangalan ako ng Tagpi at Bantay, matagal-tagal namang  nabuhay. Sinabi ko na nga ba! Simple lang mga aso namin. Di kelangan ng grandiosong pangalan!

Nakukuha din ng aso ang katangian ng kanyang pangalan paminsan minsan. Ang aso naming si Bantay, magaling namang magbantay ng bahay. Dati, dahil makalokohan akong bata, pinangalanan kong "kitten" and isa naming tuta. At ng magkaron kami ng cute na  beagle naman, pinangalanan ko ng Poopy. Poo-poo naman ng poo-poo!

Ibat iba ng paraan ng pagpapangalan ang tao. Para sa tao man o sa alagang hayop, may kanya-kanyang dahilan. Junior para isunod sa ama ang aktuwal na pangalan. Ibig din ng mga magulang sa sundan ang yapak ng ama. Merong isinusunod sa idol. Mga anak nga ni Bayani Agbayani, Rosalinda at Marimar... lahat ipinangalan sa Mexican telenovela ni Thalia. Merong may kaugnayan sa propesyon: tatay ko nga, pinangalanang Judy Sharie ang aming bunso (na napilitan tuloy mag-law..hehe), daddy ko kasi ay RTC Judge. Meron pang iba, Justice at Judge naman.

Meron din namang totoong makabayan, magkakapatid na Makisig, Mayumi at Magiting. Meron pang Ampere, Watts at Volts dahil si daddy kasi nila ay electrical engineer. Meron din, pangalan ng magkakapatid: Apple, Peaches at Orange (Aberin sisters).. At si Vilma Santos, bakit pinalayawang Lucky si Luis Manzano? Kasi nga naging “lucky” sya sa career simula ng lumitaw si Luis. Ngayon, hiyang-hiya si Luis tuwing tinatawag syang Lucky.. machong macho para tawaging Lucky. (I love you Lucky!)

Nalaman ko na ang balak ipangalan ng isa kong kapatid sa magiging anak nya ay makalumang pangalan. Isusunod sa mga lolo ng bata. Isip isip ko, hindi kaya magalit ang bata paglaki nya dahil mukhang inaamag na ang pangalan nya? Hehehe. Pero.. pansin ko lang, nagiging uso na din ngayon ang makalumang pangalan, mas sophisticated ang dating, timeless ika nga. Sina Tintin Bersola at Julius Babao, Antonia nga ang ipinangalan sa baby! Sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, Andres naman yung isa sa twins. Galing kaya yung pangalan kay Andres Bonifacio.. atapang atao hindi atakbo? (haha)

Nang makidnap si Jethro, at naging laman ng broadsheets(kahit tabloid) at nabalita sa TV, naikwento ng magaling na sharpshooter na si Jethro Dionisio sa aking asawa na madami daw tumawag sa kanya at nagtanong kung anak nya si Jetho! Baka nga naman screen name lang ni Jethro Dionisio ang apelyidong Dioniso, baka Jethro Chua, Sr sya at junior nya ang nakidnap! hehe

Sa totoo lang, noong mas bata ako, ayokong ayokong tinatanong ako sa history ng aking pangalan. Unique nga, sobrang unique na kahit wala yata apelyido, dead-sure ako na nag-iisa ako sa sangkamunduhang may ganitong pangalan. Nariyang sabihin na napakamakabayan daw siguro ng parents ko at tagalog na tagalog ang pangalan ko. Nariyan ding pagkamalang Muslim ako. At ang pinakamatindi, sa foreign subscriptions at kahit local, inaaddress ako na MISTER sa halip na MISS o MISSIS! Aray! Bukod pa dyan ang madalas na maling mga spelling na pangalan ko. (Kainis! Hehe)

Isip isip ko nga, sana Jennifer, Michelle, Aileen o Tina na lang ang pinangalan sa akin.Yan ang top 4 na pangalan sa mga kakilala ko! Kahit madami kaming Jennifer, Aileen, Tina o Michelle,  at least wala ng tanung-tanong kung sa kinuha pangalan ko. Di pa ako mapagkakamalang lalake! hehehe

Pag tinatanong nga ako kung ano real name ko bukod sa Lami, sinasabi ko, “Wag na, Lami na lang.” Sinasabi ko ding kahit hulaan, di nila mahuhulaan, nahahawig kay Rumplestiltskin!

Kaya ng magkaanak ako, simple lang din ang pagpapangalan naming ginawa. Kinuha naming ang paborito naming pangalan. Mahirap sumunod sa uso, nauso ang Joshua, Nicole, Bea, Krissy, Ethan, Paolo, Matthew. Kaya napansin ko sa pre-school, marami ang magkakapareho ang pangalan sa magkakaedad. Uso nga ngayon ang dalawahang pangalan.  Nauso siguro kasi dahil walang itulak kabigin sa dalawang pangalang pinagpipilian. O para siguraduhan na sa dalawang kombinasyon ng pangalan, bihira ang makakapareho?

Sa tao, eto ang  paborito kong mga pangalan.. Bruce, Brendan, Dana, Keira, Gian, Sofia, at Voltaire. Si Henry naman, gusto ang Lance, Cheenee, Jethro, Henri.

Mahulaan mo kaya kung ano ang totoo kong pangalan?

 

-taken from my other blog